6 Things to consider in buying a condo property in the Philippines. (ano ba talaga ang dapat?)

Things to consider in buying a condo property in the Philippines. (ano ba talaga ang dapat?)

1. Transportation Oriented

Kahit na meron tayong sariling sasakyan, importante pa din na nakatira tayo sa lugar kung saan madaling makakuha ng masasakyan para sa ating pupuntahan, emergency purpose o pangagailangan katulad ng pedicab, tricycle, jeepney o taxi. Maganda din na malapit tayo sa MRT or LRT, kahit isang sakay papunta dito ay malaking ginhawa na ito para sa atin.

2. Business Establishments

– Sa buhay natin importante na malapit tayo sa mga lugar kung saan makakabili o makakakuha tayo ng mga bagay bagay na magagamit natin sa pang araw araw na pangangailangan. Mas maganda ito kung nalalakad lang natin withing  5 – 10 mins, katulad ng Wet & Dry Market, trabaho, Paaralan, Simbahan o mas maganda kung malapit sa mga Malls kung saan kumpleto na ang lahat.

3. Amenity

Kung bibili tayo ng condo siguraduhing kumpleto ito para sa ating pangangailangan, tignan nyo rin ang sukat ng mga swimming pool baka naman malaki pa bathtub nyo, hehe. Mas maganda kung may commercial space o mall din sa baba. Malaking kasiyahan sa atin ang makita natin ang ating pamilya na nasa paligid lang ng development na nagsasaya at namamasyal sa safe na lugar. Hindi kasi natin nabibili ang Peace of Mind.

4. Property Management

Ito ang kadalasan na nakakalimutan na ng mga buyer iconsider, napaka importante nito dahil kadalasan ng mga condo buyer ay hindi lang isa ang binibili sa iisang lugar dahil kadalasan ay palipat lipat tayo ng tirahan dipende kung saan magiging malapit tayo sa ating araw araw na mga gawain business or trabaho o Paaralan.

Sila ay makakatulong sa inyo kung sakaling gusto natin pagkakitaan ang ating mga unit katulad ng rentahan. Sila rin ang magpapanatiling maayos ang gusali, seguridad, at kalinisan ng paligid. isipin nyo nalang kung wala sila. 🙂

5. Price per sqm.

Kung from 1 to 4 at meron ang isang napiling nyo condo, paniguradong maganda ang magiging lifestyle nyo pero kadalasan ang mga presyo nito ay umaabot sa 130k to 150k o higit pa. Pwede din naman tayo makuha ng ganito ng mas mura kung pipili tayo ng project na pre-selling stage palang. Meron tayong makikita pa na 90k to 100k per dipende sa  kung gaano na kalapit ito maturnover. Mas makakamura kung 2 – 3 years pa sya bago maturnover. pero dipende pa din ito sa pangangailangan.

6. Agent

Siguraduhin nyo na ang agent nyo ay alam ang binebenta nya at commitment nya sa inyo. Siguraduhin din na tama ang binigay nyang information, presyo, location ng unit, at laman ng unit. Siguraduhin nyo din na marunong makinig sa concern nyo at magbigay ng tamang opinion (tagalog man o little english ), hindi yung salita ng salita lang at ayaw na kayong pasingitin. Wala din sa first impression ang galing ng isang ahente,  malalaman nyo lang kung kakausapin nyo sila. Pero consider nyo pa din ang bagong agent na less than 3 months palang sa realestate basta kasama ang manager nila kapag inassist kayo.

Kapag ok ang lahat pwede na kayo mag-reserve ng unit. 🙂

Published by

Admin

Excellent Service you deserve

Leave a Reply

Your email address will not be published.